Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

I never liked you back then. So your “Kain Tayo” was not really a big deal for me. I even declined every time.

Ngunit isang beses kumain tayo sa Greenwich, naramdaman kong gumaan agad ang loob mo sa akin. Mas nakilala kita. Ang totoong ikaw. Na hindi nakita ng iba.

Kaya noong lumipas ang mga araw, linggo at mga buwan na tayo’y nag-uusap at kumakain sa iba’t ibang kainan, ay nahulog na rin ang loob ko sa’yo.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


May 10, 2019, petsa ngayon. Ako’y mag-isa. Dito sa paborito mong kainan. Marahil may bago ka nang favorite. Marahil may iba ka nang laging kasama. Malungkot, oo. Pero kung maligaya ka naman sa piling nya, hangad ko ay mas lumigaya ka pa.

Kalimutan ang mga nakaraang sakit at palayain ang sarili. Ngunit sana’y masilayan muli ang matamis mong ngiti.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required