Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Kumusta ka ka-ibigan?
Ngayon alam ko na,
Kaya pala nag-iba,
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
meron palang iba.
Nabasa mo ba sa mga ngiti ko?
Nakita mo kaya sa paraan kung pano kita tingnan?
Naramdaman mo sana sa bawat hawak ng aking mga kamay.
Mga salitang hindi nabigyan anyo ng pagkakataon.
“Ayaw kitang mawala”
Gusto ko sanang isigaw,
Kung pwede ako nalang,
Kung pwede tayo nalang.
Yung utak ko litong lito,
Nagtatalo minu-minuto.
Na kung ito lamang ay pinaalam,
Maaring di umabot sa paalam.
Ngayon nandito na ako sa dulo,
Totoong ito na nga ang dulo.
Magmumokmok saglit sa sulok,
Habang dinadamayan ng mga lamok.
Patawad kung hindi ako naging SIYA,
Siya na sa paningin mo ay higit pa.
Sana lang alam mo na sa kabila ng kakulangan ko,
Sumobra ako sa pag-ibig sayo.
Pagpasensyahan mo na sana kung ito lang ako.
Ako, na nagmamahal sayo.
Ako, na isa sa mga kaibigan mo.
Ako, na nananatiling nasa tabi mo.
Oo, mananatili ako sa tabi mo.
Pakikinggan yung mga kwento mo tungkol sa kanya,
Habang nakikita yung mga ngiti mong umaabot hanggang tenga,
At yung kilig mong nag-uumapaw na nagpapakitang mahal mo talaga siya.
Mahal, masaya akong masaya ka.
Masaya akong nagmamahal ka.
Oo, masakit yung mahal mo siya habang mahal kita.
Pero maniwala ka, totoong masaya ako para sayo, para sa inyo.
Masaya ako kasi sa wakas dumating na siya.
Yung taong inilaan ng Diyos para sayo,
Yung taong unti unting papalit sa pwesto ko sa buhay mo.
Yung taong mamahalin ka ng higit sa pagmamahal mo.
Masaya ako, masaya ako para sa taong mahal ko.
Dapat naman talagang maging masaya ako.
Ito yung tama kong maramdaman bilang kaibigan mo,
At bilang taong nagmamahal sayo.
Patawad kung baka minsan sisilip ang lungkot,
At kung minsan maiiyak.
Sa mga pagkakataong maalala kong,
Dumating sa akin ang wakas para sumaya ka.
Pasensya na kung hindi mo na malalaman,
Hindi na rin siguro kailangan.
Pasensya na rin madalas kong nakakalimutan,
Hindi pala ako ang kailangan.
Kaibigan kong naibigan,
Nais kong malaman mong..
Wasak man sa wakas,
Salamat parin sa lamat.