Categories Short Story

A letter of HAPPY Reminiscing

A letter of HAPPY reminiscing 🙂

Nakilala ko siya 4thyear ako, 3rd year siya. Sa Jade Valley, nagpapicture siya sakin, (joke! haha!) Nagpapicture ako, sa kanya, tawag ko pa sa kanya ‘SUPNET’, di ko alam 1st name niya that time. Haha. Dun nagstart ang lahat. Ü March 29, 2007, Officially naging kami. Di naging madali, dahil maraming may ayaw sakin para sa kanya. Pero malakas siya kay Lord, we work things together. Grumadweyt pa din siya ng Valedictorian. Dun ko lang din nakilala yung parents niya. Hanggang sa Legal na kami Both sides. Tapos PAK! She decided na mag aral sa UP.Baguio.

So ayun, LDR kami for almost 4years, nagkkita kami tuwing bakasyon or may events sa church, madalas wala siya sa birthday ko pero eto ang sigurado DI NAGING HADLANG ANG DISTANSYA sa relationship namin, txt, tawag, skype, fb at dmating sa time na gngwa ko ng Cubao ang Baguio, dahil hnahatid ko sya hnggan dun tapus uuwi din agad. Haha! Pero syempre may trials, 3 beses din kaming nagbreak sa 5years namin. Ma.pride kasi ko that time, future oriented. Kakaisip ko sa future, hindi ko napansin yung present. Isang bagay ang natutunan ko “Many are the plans in a person’s heart, but it is the Lord’s purpose that prevails.” (Proverbs 19:21) Kahit maganda ang plano mo sa buhay mo pero kung di mo kasama si Lord sa planong yun, di yun matutupad.

Hanggang sa nagkasakit siya, at kinuha ni Lord. Masakit, sobrang sakit. Matinding testing ni Lord sakin, pero mabuti ang Panginoon, pinaunawa niya sakin ang purpose ng nangyari. Mas kumapit ako sa Kanya hanggang unti-unti, na-heal yung puso ko, inayos Niya yung attitude ko, towards sa pangyayari at sa mga taong nakakasama ko. Nawala man siya sa buhay ko physically, pero yung memories naittreasure ko forever at ginamit din siya ni Lord para mas magamit ako sa Kingdom Niya. Marahil di lang ako ang nasaktan sabi nga ni Lord “He will wipe every tear from their eyes. There will be no more death or mourning or crying or pain, for the old order of things has passed away.” (Revelation 21:4)

Walang sawang pasasalamat at pagpupuri Sayo Lord, sa naging buhay niya na naging blessing sa maraming tao lalo na sa akin. Kung may namimiss man ako, Siya yun! 11years if ever. Pero naniniwala pa din ako sa promise ni Lord na “For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.” (Jeremiah 29:11)

God has better plan for us. Ü Trust Him! Praise Him! Ü Thank Him kung ano man ang nararanasan mo ngayon. Ü Maniwala ka, patunay ako na if you live according to His word, lahat ng desires ng heart mo ibibigay Niya. “Take delight in the LORD, and he will give you the desires of your heart.” (Psalm 37:4)

Lord, thank you sa lahat. 🙂) Thank you sa buhay niya. Salamat sa memories and I know we’ll see each other soon. (Pero wag naman po bukas) 😛

ANG TOTOONG PAG-IBIG AY NAKASENTRO SA PANGINOON 🙂 LDR man kayo, o ano pang sitwasyon kahit anong hirap pa ang pagdaanan niyo kung si Lord ang sentro nito, maniwala ka sakin, magiging okay ang lahat 🙂)) TRUST HIM 🙂))

*our last picture 🙂
#happy #twentynine