Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
15 y/o na batang babae ang nagtanong…
‘Kuya, Di ba pwedeng masaya lang kami, kelangan ba talaga may title?’
Well. I know the feeling ng masaya kung ano man ang meron kayo, yung pamorningan sa texting, tanungan kung kumain na ba, yung tanungan ng mga pangarap, at yung di sinasabi pero nararamdaman… Parang kayo, pero hindi….
M.U.! Mutual Understanding ang tawag nila dito o kaya…
Magulong Usapan, Malanding Ugnayan, Mag-UN, Mag-isang Umiibig o Mukhang Unggoy…. Himayin natin ang sallitang M.U.
While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:
Ayon kay Merriam,
Mutual means having the same feelings one for the other or shared in common. It means, mga bagay na pinagkakasunduan, it’s either, work, sports, hobby, pagkain, o paniniwala sa buhay….
Understanding, as an adjective, means sympathetically aware of other people’s feelings; tolerant and forgiving. Ibig sabihin, nagkakasundo sa nararamdaman ng bawat isa….
Pero ano bang mali sa M.U., o sa pag-ibig na walang title?
Una, malabong intensyon…. Ladies, mahirap umasa sa wala, huwag mo lang i-enjoy yung company, komprontahin mo siya kung ano ang intensyon niya…. Maraming relasyon ang di alam kung meron nga ba sila, kaya maraming nagmu-move on kahit di naging sila…. Kasi simula pa lang, hindi na malinaw kung ano talagang meron sila, ang madalas na talo, babae.. Guys, magkaron ka naman ng backbone, kung gusto mo, sabihin mo, huwag mo lang iparamdam para di siya mag-assume.
Pangalawa, no commitment…. Maraming pag-ibig ang di nagkakaron ng commitment kapag walang title. Basta masaya lang sila, ginagawa na lahat ng ginagawa ng mag-partner, pero bawal magdemand ng time, bawal mag-request at bawal mag-selos ang isa’t isa kung may kasamang iba si girl o si boy….
Pangatlo, magkakasakitan kayo…. Alam niyo naman sa sarili niyo, na pag nagpatuloy yan, pareho lang kayong masasaktan…. Para kayong sumali sa takbuhan pero walang finish line.. Kaya dumadami ang mga nagsasabing, ‘Pare-pareho lang sila.’ Wow huh? Kaya tigilan ang ganyang set up. Kung meron talaga, edi i-level up.
Bilang Single Christian, we must be intentional when it comes to this matter. Kung friends lang talaga, edi friends lang…. Kung may chance, ipag-pray, magpa-accountability, ibabad sa panalangin at siguraduhing ididiretso ito sa kasalan. Sabi nga sa Matthew 5:37 ‘Just say a simple, ‘Yes, I will,’ or ‘No, I won’t.’ Anything beyond this is from the evil one.’ Hindi kasama sa pagpipilian ang ‘OR’ sa “YES or NO”. At tandaan, na walang love story na walang title.