Categories Relationships

3 Katotohanan ng PUSO!

PUSO! Isa ito sa pinakamahalagang bahagi ng katawan ng tao. ito yung nagcicirculate ng blood natin. Ito din ang ginagamit natin pag nagmamahal tayo. Madalas nating sisihin ito pagnagkakamali tayo. Sa dami ng pagkakamali ko, may tatlong napatunayan ako tungkol sa puso natin.

Una. ‘Ang puso ay mapanlinlang.’ (Jer. 17:9) Kaya huwag agad maniwala. Yung kantang “Kapag tumibok ang puso, wala ka ng magagawa kundi sundin ito.” Kalokohan yan! May magagawa ka! Kaya nga nilagay sa bandang left yung puso natin kasi nga ‘Our hearts is not always right.’ Di porket pinakilig ka, mahal ka na! Si Jesus di kinilig nung pinako Siya sa Krus, pero mahal ka Niya. 🙂

Pangalawa. ‘Konektado ang puso sa bibig.’ (Luke 6:45) Kung ano laman ng puso mo, yan ang madalas na sinasabi mo. Ano ngayon laman ng puso mo? Kapag nakipag-usap ka sa mga basketball players about basketball, kahit 1 week pa kayong mag usap, di siya mawawalan ng kwento kasi nga yung ang laman ng puso niya, o kahit pag-usapan mo lang yung crush mo, ang dami mong kwento! (Tips: (Hindi generalize) Para malaman mo kung ano laman ng puso ng tao, try mo gulatin, kapag sinabi niya ‘KABAYO’ baka dating hinete yan. 😛 Jk lang)

Pangatlo. ‘Nakatingin Siya sa puso mo.’ (1 Samuel 16:7) Mahal ka ng Diyos hindi dahil maganda ka o pogi ka, o matalino ka, o magaling ka. Maaaring ireject ka ng tao, pero hindi Siya! Huwag kang mainsecure sa kung anong itsura mo, Tandaan mo, ‘You are created by His image. You are fearfully and wonderfully made.’ Mahal ka ni Lord dahil ikaw yan! Ang mukha naeedit yan, pero yung puso hindi!

Marami pang katotohanan ang puso. Kapatid, tandaan mo, pinili ka ng Lord dahil sa puso mo sa Kanya, Maglingkod ng buong puso, isip at kaluluwa. Hindi man ito nakikita ng mga taong nakapaligid sayo, nakikita ng Lord yung puso mo! Sinasaliksik ng Lord yung puso natin, alam Niya kung nagttrip ka lang at alam Niya kung totoong minamahal mo Siya. 🙂 (1 Chronicles 28:9)

Prev Basag Na Hypothalamus
Next Mutual Understanding