Ilang taon pa ba ako mag aantay?
Ilang papansin pa ba ang gagawin?
Ilang sakong bigas pa ba ang sasaingin para ako’y iyong mapansin?
Balita ko may iba kang gusto!
Oo, umaasa ako na sana ako yung taong yun.
Sa mga bibitawan mong salita, iniisip ko na lahat ng yun meron ako, na lahat ng yun ay Ako! na kulang nalang banggitin mo ang pangalan ko!
Magkukwento ka ng patungkol sa kanya, at iniisip ko na ako siya, kaso..
Kaso sinabi mo matangkad siya, maputi at maganda,
ilang beses kong tinitigan ang sarili ko sa salamin,
Hindi ako maganda, hindi ako maputi at higit sa lahat hindi ako matangkad!
Pero mabait ako, iniintindi ko bawat sulok ng ugali mo.
Inuunawa ko lahat ng kabadtripan mo.
Tinitiis ko lahat ng pang aasar mo.
Tinatadtad kita ng chat para lang pumasok ka, hindi para makita ka, kundi para pumasa ka at makasabay sa pag martsa.
Patapos na ang taon, umaasa parin ako na balang araw mapansin mo din ang katulad ko.
Pero ilang taon man ang abutin mag aantay ako hanggang ika’y mapa sakin.
Kahit hanggang tingin lang muna handa kong tiisin.
Ganun talaga ang umaasa…
..handang magpaka tanga.
Pero please naman ayokong umasa sa wala, Kung meron ba akong pag asa sabihin mo na.
Handa kong tanggapin lahat na mapait na salita.
Sabihin mo na ng mas maaga kung ako’y AASA PA BA.
Siya na naman ang bukambibig mo pero ako tong nasa harap mo.
Pinaguusapan kung papaano ka magtatapat sa kanya,
Ako naman tong si tanga, nagbibigay ng idea, idea na nabuo sa isip ko kapag nagtapat ka.
Uupo tayo sa tabing dagat tayong dalawa lang at walang mga kaibigan.
Tatanungin mo ko at sasagot ako ng ‘Oo’.
Pagkatapos buong araw tayong mamamasyal na magkahawak ang kamay hanggang pag uwi ikaw padin ang kasabay.
‘Maganda idea’ sabi mo ,Pero lalo yung magiging maganda kung magkakatotoo ang salitang …
IKAW at AKO ay maging TAYO!
Huli na ba ako?
Huli na ba para umamin na gusto kita?
Sa bilis ng takbo mo papunta sa kanya hindi ko alam kung maaabutan pa kita.
Mabuti nalang traffic sa Edsa, Naabutan kita!
Naabutan kitang lumuluha pero nakangiti ka.
Ang gulo! Lumuluha ka ba dahil na Reject ka? pero bakit ka nakangiti? tears of joy? kayo na ba? Huli na ba talaga?
Wala na ba talagang pag asa?
Nabuhayan ako bigla ng sabihin mong ‘Bes mag antay daw ako sabi niya’
May pag asa pa!
May pag asa pang magpaka tanga!
Wala eh! Gusto kasi kita!
Ngayon,
Dalawa na tayo,
Ikaw na umaasang maging kayo at
Ako na umaasang maging tayo!
Aasa parin ako!
Aasa ako hanggang wala pang KAYO!
KAYO na pinagdadasal kong maging TAYO!
Aasa ako hanggang mapagod ka kakaantay sa kanya.
At handa akong alalayan ka,
Habang ako’y inaantay ka.
Oo bes masakit!
Nagmahal na lahat!
Asukal, bigas, gaas,
Kuryente at tubig
Pero ang puso mo sa akin wala paring pag ibig!
Pero!
Aasa parin ako na balang araw magmamahal din yang puso mo,
Hindi sa kanya kundi sa tulad ko!
Sa tulad ko na hindi kaputian, hindi kagandahan at hindi rin katangkaran.
Pero mamahalin kita ng buong buo!
Pupunuin ko lahat ng kulang sayo!
Tatanggapin ko lahat ng pangit sayo!
Iintindihin ko lahat ng topak mo!
Sasabayan ko lahat ng trip mo!
Tatawa at iiyak ako kasama mo!
Oo bes gusto kita, Gusto mo rin ba ako?
Sumagot ka at wag kang tumawa!
Para alam ko kung ako’y aasa pa ba?!
Mali ba ang timing ko?
Dahil mukhang malinaw na sa akin ang salitang ‘KAYO’
hawak mo ang kamay niya at hindi ang kamay ko.
Ngumiti ka at naglakad kayo palayo.
Habang ang puso ko’y nadudurog sa sarap ng tingin niyo sa isa’t isa.
Kung papaano mo siya alalayan sa mga padaang sasakyan.
Sa mga akbay habang naglalakad kayong magkasabay.
Sa ngiti mong akala mo nanalo ka sa lotto.
Dahil sa matamis niyang ‘Oo’ nasira ang pag asang maging TAYO!
Oo,Aasa parin ako!
Pero hindi na sayo!
Hindi na sa tayo!
Aasa ako na balang araw may isang taong magpapakatotoo at mamahalin ako.
Thank you for showing me I deserve someone better than you.