Ang Saya Lang!

#AugustGirl

46

Ang saya lang, nang may nakilalang ikaw,

Ang saya lang, makita ang totoong ako dahil may ikaw,

Ang saya lang, na sa bawat araw ay may tinatanaw na ikaw,

Ang saya lang, na sa bawat ngiti ko ang dahilan ay ikaw,

Ang saya lang, na bawat pasalamat ko sa Poong Maykapal may isang ikaw,

Ikaw, na ang dulot at dala sa akin ay saya lang,

Ikaw at ako na walang ibang hinihiling kung hindi ang tunay na saya lang,

Ang saya lang, nang nagkatotoo ang ikaw at ako,

Ang saya lang, ng tayo ay may mga pangako,

Ang saya lang, nang ikay lumuhod at ako’y napa “Oo”,

Buong akala ko na ang saya lang dahil mag-iisa na tayo,

Ngunit ang aking pag “Oo”, kapalit ang palayain ka upang hanapin ang buo mong pagkatao,

Ang “sayang” lang, dahil tinapos mo ang istoryang may bidang “ikaw at ako”,

ANG SAYANG LANG! 😭

#AugustGirl