Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

BAKIT KA NAGSSTAY?

Sa totoo lang, mahirap kapag nasa sitwasyon kang alam mo naman na parehas niyong gusto yung isa’t isa. Yung lumalabas kayo para kumain, manuod ng sine, ina-update niyo yung isa’t isa sa mga bawat lakad niyo, yung ipapakilala ka niya sa mga taong mahahalaga sa buhay niya. Yung parang kayo na, pero walang official confirmation. Minsan mapapaisip ka na lang “Ano ba talagang meron kami?”. Yung hirap ka na sagutin yung mga tanong na “Kayo ba?” at “Anong meron sa inyo?” kasi kahit ikaw  mismo hindi mo alam ang sagot sa tinatanong nila at mismong ikaw gusto mo din makahanap ng sagot. Yung gusto mo siyang tanungin pero hindi mo magawa kasi natatakot ka.  Darating din sa point na mas mahihirapan ka dahil araw araw mo na siyang minamahal, yung kahit may mga imperfections at flaws siya mimamahal mo na din kasi kasama na din yun sa pagkatao niya. Mahihirapan ka  dahil minsan makakaramdam ka ng selos at minsan gusto mong magdemand kahit di naman dapat kase wala naman “Label” yung relasyon niyo.  In short, “Walang kayo”.  Yung gigising ka na lang isang araw na bigla ka na lang matatakot kasi baka mawala na siya sayo at makuha na siya ng iba tapos wala ka naman magagawa kase “Gusto” ka lang naman niya. Yung maaalala mo na lang na hindi ka nga pala niya nasabihan kahit minsan ng mga salitang “Mahal kita” o “I love you”. Yung pakiramdam na hindi mo magawang tuluyang maging masaya kahit na dumadami na yung mga memories na binubuo niyo pareho, na kahit alam mo sa sarili mong mahal mo siya at sigurado ka na sa kanya na siya na yung gusto mong makasamang bumuo ng sariling pamilya e bigla mo na lang maaalala yung mga katanungan sa isip mo na wala pa ring kasagutan na nagmumula sa kanya. Pero kahit na ganun, kahit na meron kang option na iwan na lang siya at humanap na lang ng iba e hindi mo magawa kasi alam mo sa sarili mo na hindi niya deserve ang iwanan, alam mo sa sarili mo na kahit mahirap yung sitwasyon at wala pang linaw kung anong meron sa inyong dalawa e deserve niya na mahalin siya ng buo at totoo, deserve niyang hindi iwan hindi tulad ng mga taong ipinaramdam sa kanya na hindi siya worth it.

 

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


STAYING is a CHOICE not an OPTION. Choice mo to stay dahil ramdam mong napapalambot mo na yung puso niyang parang bato na nung maranasan niyang masaktan, lokohin at iwanan. Choice mo to stay kasi nakikita mo yung worth niya na hindi Nakita ng iba. Choice mo to stay simply because MAHAL mo siya. That’s it.

 

Ikaw, bakit ka nagsstay?

Send me the best BW Tampal!

* indicates required