Para sa lahat ng naghihintay, habaan mo pa ang pasensya mo sa panahon na ‘to. Hayaan mong maging masaya ka sa maraming bagay. Piliin ‘wag maging malungkot o mainggit  kapag nakakakita kanang magkasintahan.Hindi mo alam marami sa kanila iniisip na sana single na lang ulit sila. Ilagay mo ang tiwala mo sa oras na ibibigay Nya, yun naman ang mahalaga, diba? Sa ngayon, “be the best version ng pagiging Single and be excited sa mga plano ni Lord para sayo”.Patuloy ka lang sumunod at makinig sa kung anong sinasabi Nya, oo madalas mahirap gawin ang mga bagay na sinasabi Nya pero yun naman ang mas makakabuti para sayo. Tandaan, “all things work together for good” so ibig sabihin lahat ng ginagawa ni Lord sa buhay natin ay para sa ikabubuti natin. Kaya ‘wag matigas ang ulo, ‘wag makulit.Choose not to chase people, but to chase God’s plan for you. ‘Wag ka ring atat,bakit ready ka na ba? Kaya mo na bang ipagluto yung magiging asawa mo? Kaya mo na bang mag-alaga ng magiging anak nyo? Kaya mo na bang gumising ng maaga para ipaghanda ng almusal ang magiging pamilya nyo? O heto na lang, para sa mga kababaihan, kaya mo na bang maglaba ng damit? Mag-hugas ng pinggan? Mag-saing kaya? Oh ano, napaisip ka? Kasi hindi ka pa talaga ready.Para naman sa mga kalalakihan, kaya mo na bang magprovide sa pamilya mo?Inaayos mo ba yung pagtratrabaho mo? O puro ka lang pacute sa social media? Pero, seriously guys we are not yet ready kapag yung gusto mong masunod eh yung sarili mong timeline.
Be inlove with Jesus everyday, at makikita mo kung ano ang plano nya for you. SINGLE, yan ang status natin FOR NOW, mas masayang isipin na si Lord ang writer ng mga love story natin kasi mas nakakakilig yun.<3 Let God prepare you as the man and woman that He wants you to be and while waiting on His time, glorify Him in everything that you do. 🙂

Kung naiinip ka pa rin, tara travel tayo! 🙂

– Sarah.Single.27.
0916_ _ _ _ 817