Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahal, paalam na.

Nakakatawa lang isipin na sa sobrang tagal mong hinintay yung matamis kong “oo”,

Yun din ang ‘sing bilis ng pagbitaw mo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Sumuko ka kaagad

Tila balewala lahat ng pinaghirapan mo

Bulong ko sa sarili, “Sana kahit minsan, pinaglaban mo ko.”

Masakit isipin pero dapat tanggapin.

Ewan ko kung ba’t pa ba natin patatagalin.

Kala ko sa huli ika’y magiging akin.

Yun pala, sa iba ka na nakatingin.

Totoo ba? O ako’y naprapraning lang.

Nong una, todo effort ka mapaimpress ako

Ngayon ako itong tanga, sobrang clingy sa’yo

 

Mahal, sanay kana ba sa ganitong tema?

Ako ‘tong habol ng habol , ikaw yung takbo ng takbo

Sa pagkakaalam ko di naman ako aso

Kakapagod kaya magmahal sa isang taong di nakikita ang halaga mo

 

Mahal, tapos na ba?

Ayaw mo na sakin at may iba ka nang mahal?

Gawa tayo ulit ng panibagong yugto

‘yoko ng ganito, puso ko’y gumuguho

Ba’t di mo masabi sa’kin ng diretso?

Ba’t puso ko’y dinudurog mo?

Alam ko may mali rin ako

Pero pwede ba nating ayusin ‘to?

 

Mahal, bumitaw kana ba talaga?

Tapos na ang usapan, wala nang balikan.

Deserve mo ang taong who makes you feel better

Kasi ang alam ko sa ngayon, di na tayo happy together

Deserve mo ang taong sobrang iniintindi ka

Deserve mo yung taong di ka iiwan ng basta basta

Deserve mo yung taong mahal na mahal ka talaga

 

Salamat sa mga magagandang alaala

Salamat sa say among dala

Salamat sa lahat

Mahal, ako’y lilisan na

Pero sana malaman mo na mananatili ka dito sa puso ko

Minahal kita ng totoo

At minahal mo rin ako ng totoo

Ang storya nating dalawa ay magiging parte na ng buhay ko

At palagi ko itong dala dala sa puso

 

Mahal, magpakatatag ka

Alam kong mahirap

Alam kong hindi madali

Pero pinagdarasal ko sa Poong Maykapal na

Kung saan man tayo mapadpad

Sa mundong walang kasiguraduhan

Lagi mong tatandaan na isa lang itong pagsubok sa buhay

At alam kong makakaya mo rin harapin ang kinabukasan

 

Mahal, sana masaya ka na.

Eto ang gusto kong maiparating sa’yo

Kahit di man tayo tinadhana

And Diyos na ang bahala

Sana sa huling sandal masilayan kita na nakangiti

Walang halong poot at galit

Handa nang bumangon ulit

 

Mahal, mahal na mahal kita,

Pasensya

At

Paalam na..

Send me the best BW Tampal!

* indicates required