“Binitawan ko na ang nakaraan”

Sa paglingon ko dun ko nakita,
mali pero bakit parang tama?
Sakit na dulot ng nakaraan,
unti unti ng natabunan.

Alam mo ang pinagdaan,
sa huli kong pinaglaban.
Pero pinili mo parin,
sakit ng puso ay pawiin.

Nawasak na damdamin,
pinili kong sayo sabihin.
Hindi ko naisip na,
ang gago ko dahil nasasaktan kita.

Nasasaktan ka dahil nasasaktan ako sa iba,
Tangina diba?
Ang gago ng mundo,
Pero mas gago pala ako.

Bakit pa ba maninibugho,
sa taong sinaktan ka ng todo.
Nasa harap ko na pala,
lalaking handang magpakatanga.

Tigilan na ang nauna,
di makapaniwalang puso ay iibig pa.
Limutin ang nakaraan,
ikaw na ang kinabukasan.

Pinangako sa sariling di kana sasaktan,
ikaw na ngayon ang ipaglalaban.
Sa pagbitaw sa una,
di alam ikaw pala ay makikita.

Sa aki’y humawak ka,
sa dulo ay dadalin kita.
Kung ikaw ay pagkakamali ko,
ulitin man ito parin ang gagawin ko.

Oo nga pala mahal ko,
sinasagot na kita ng oo.

P. S di mo malalaman na sinasagot na kita kung di mo to makikita. Sorry not sorry. Surprise ka bahala ka. Char