Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Mahal kita pero hindi ko na kaya
Mahal kita pero tama na.
Minahal naman kita pero bakit naghanap ka pa ng iba?
Minahal naman kita pero bakit ginawa mo ‘kong tanga?

Hi, ako nga pala si Bea,
Handang tulungan ka dahil mahal kita
Handang damayan ka sa lahat dahil pinangarap kita
Nawala sa sarili dahil sa pagmamahal sa iba

Ang swerte mo na pero bakit pinakawalan mo pa?
Complete package na siya pero naghanap ka pa ng iba.
Handang sumugal sa ngalan ng pagmamahal pero bakit pinagpalit mo pa?
Pinasok mo ang buhay niya pero nilisan mo pa.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Hayan tuloy at takot nang magtiwala
Natatakot na baka kapag nagmahal muli ay ipagpapalit parin sa iba.
Takot sumugal sa pag-ibig sapagkat natuto na.
Tanong sa buhay “Bakit mapanakit ka?”

Dalangin niya’y maging masaya ka sa piling ng iba,
na sana’y pagmamahal niya sayo ay higit pa,
Na sana’y hindi ka na hahanap ng querida.
Dahil kawawa ang sangkababaihan kung lolokohin mo lang sila.

Kaya Paul, makuntento ka na sakanya,
Huwag ka ng bumalik pa sa piling ni Bea.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required