Akala
Categories Poetry

Akala

Akala ko lang pala na ako ay ok na
Akala ko lang pala na kaya ko na
Bumalik lahat ng nakita ka

Hindi na kita hinahanap-hanap sa umaga
Sa mag-hapon ay hindi na rin kita naiisip pa
Hindi na ako masyadong nababagabag ng iyong alaala
Kaya’t lakas loob kong nasabi na nakalimutan na kita

Noong mga panahong hindi kita nakikita
Alam kong ang kalimutan ka’y nagagawa ko na
Ang kausapin ka sa chat o text na gaya ng dati
Alam kong nakakaya ko na.

Ngunit nang personal na ika’y nakita
Lahat ng progreso ko ay gumuho, tila ba
Ang harapin ka nang walang nadarama
Lahat ay akala ko lang pala

Kay hirap mong iwasan, kaybigat sa pakiramdam
Gusto kitang tingnan ngunit natatakot akong iyong malaman
Ang nadarama kong pagmamahal na sa iyo lamang
Paano mo ito tutugunan?

Ang puso ko’y hilaw pa sa mga ganitong sitwasyon
Maraming takot at hindi alam ang gagawing desisyon
Nalilito, nagugulumihanan, nahihirapan, nasasaktan
Kung bakit ba kasi ako’y sa iyo pa nagmahal?

Nais kong ibalik ang dati nating sitwasyon
Masaya at mga usapang walang alinlangan
Noo’y araw araw mo akong napapasaya, alam mo ba?
Paano ibabalik ang mga panahong naglaho na?

Kung sakaling hindi ako nahulog sa iyo
Marahil hanggang ngayon, gaya pa rin ng dati ang ating sitwasyon
Kung alam ko lang na ganito ang ating kahahantungan
Sana, noon pa ay napigilan ko na ang nararamdaman

Akala ko lang pala na ako ay ok na
Akala ko lang pala na kaya ko na