Akala
Categories Poetry

Akala

Akala ko kaya ko na

Kaya ko ng harapin ang bukas na puno ng saya

Walang bakas ng lungkot sa mga mata
Sasama sa lahat ng lakad ng tropa

Akala ko ayos na ako
Gaya ng dati, nandito lang ako
Sa mga plano laging pasimuno
Hinding hindi na maglalaho

Akala ko akin nang nakalimutan
Kung paanong ako ay nasaktan
Nasubukan kung paanong maiwanan
At ang piliin ay hindi ko naranasan

Akala ko lang pala ang lahat
Dahil nang bumuhos ang ulan
At tumahimik ang kapaligiran
Doon nagising sa katotohanan

Akala ko naghilom na
Hindi na luluha pa
Pero heto na naman pala
Sadyang masakit pa

Akala ko napatawad na kita
At alam ko naman na nasasaktan ka
Pero sa ngayon, ako muna
Pasensya na, hindi ko pa kaya.

Prev The One
Next AKALA KO!