Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Akala ko nung mahalin kita sasaya ako
Akala ko kapag kasama ka buong-buo ang buhay ko
Akala ko pag nariyan ka magiging makulay ang mundo ko
Ngunit mali pala ako
Umaasa lang pala ako sa isang maling akala
At pinaglalaruan ng pusong mapagsamantala
Akala ko kasi ikaw na
Ang makakasama sa panghabang panahon
Ang makakapiling hanggang sa aking huling paghinga
Akala ko ikaw na
Ang aking karamay sa hirap at ginhawa
Pero lahat pala maling akala lang
Akala mo lang na magiging kayo hanggang sa huli
Pero hindi pala sya yung taong para sayo
Akala ko noon distansya lang ang malayo sa ating dalawa
Pero ngayon pati puso’t damdamin na.
Akala ko kasi walang magbabago
Kasi nangako tayong walang iwanan sa isa’t-isa
Pero ang lahat pala’y maglalaho
Dahil ang lahat na yun ang maling akala ko lamang.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required