Akala ko okay nako di pa pala.
Bumalik ako sa lugar kung saan kita unang nakita, nayakap, nahagkan.
Nagka ayaan kasi uminom ang tropa at di ko alam na kapitbahay mo pala siya.
Nasa lot 9 ka, nasa lot 5 lang ako
Di ako makagalaw ng maayos, pinagpapawisan ng malamig.
Konting hakbang lang, konting lingon alam ko makikita kita.
Napadami ang inom ko dahil sa kaba,
Andaming tanong na nabubuo sa isip ko.
Anong gagawin ko kapag nakita ka?
Kaya ko na ba na makita ka?
At dumating ang kinatatakutan ko,
dumating ka…
Tumigil ang mundo ko nang makita ule ang mga singkit mong mata
Nagwala ang mga paru-paro sa sikmura ko nang masilayan ko ang ngiti mong kay tamis
Tumibok ule ang puso kong pinatay mo nang napalingon ka sakin
Umikot ang mundo ko, tama na ata ng alak na ininom ko
Biglang nagsalita yung girlfriend mo.
Di ko napansin na kasama mo pala siya
Napangiti ako ng mapait.
Akala ko okay nako, di pa pala
Akala ko tanggap ko na, di pa pala
Akala ko kapag nakita kita ule di nako masasaktan
Akala ko lang pala
Umalis ako nang lumuluha ng gabing yon,
Masaya na hindi,
Masaya dahil nasilayan kang muli
Hindi dahil akala ko kaya ko na,
Akala ko.