Akala ko ikaw noon,
Akala ko ikaw na ang tamang tao, sa akala kong tamang panahon
Puro akala sa maraming taon
Ngunit dumating ang panahon na ika’y nawala nang naglaon
Nasaktan ako at nagpaapekto sa naramdamang emosyon
Mapanirang emosyon dahil sa ilusyon
Ilusyon na hinayaan kong tumira sa utak ko ng mahabang panahon
Mga bagay sana na makabuluhan ang pinagkaabalahan ko sa nakalipas na panahon
Ngunit hindi na maibabalik ang nasayang na pagkakataon
Ang magagawa ko ay itama ang ngayon
Nasaktan man ako noon,
Oo aminin natin may kirot parin ngayon
Darating ang panahon na magpapasalamat ako sa mga nangyari kahapon
Kirot at pait, puno ng sakit ng kahapon
Hindi man maibabalik ang nakalipas
Mga pagsisi sa mga bagay na pinalampas
Nakatulong naman ito para ako’y maging malakas
Nadapa man kahapon
Babangon para kay bukas
Darating ang panahon na Ang sakit ng “Akala ko ikaw noon”
Ay puno ng pasasalamat sa Panginoon na Buti nalang “Hindi ikaw ngayon”
“Let time heal the pain,
Let God heal the pain,
All will be alright in time”