Akala Ko Kasi, Ikaw Na!
Categories Move On

Akala Ko Kasi, Ikaw Na!

THANK YOU. Thank you, sa mga panahong nakapag-effort ka sa akin ng sobra. Noong time na college pa tayo na nag shut down yung computer na hindi nag-save yung project ko na ipapasa kinabukasan. Hindi mo lang ako na-comfort, kinaumagahan nandun ka sa daanan ko papuntang school: “Good morning! Tara! Gawin na natin yung project mo.” Sobrang aga mo noon, nauna ka pa sakin e almost an hour ang byahe mula senyo papunta don. At may pasok ka pa noon. Bukod don, di mo sinabi sakin na yung pang kain mo ng lunch sana yung pinamasahe mo.
Thank you, sa first time na night with the stars.
Thank you, na sinubukan mo akong hintaying maka-graduate na may pangakong: “pagbabang-pagbaba mo ng stage, tayo na ha.”
Thank you, sa pagsama mo most of the time sakin pag kailangan ko ng kaibigan o family noong time na overseas yung family ko.
Thank you, sa paghawa sa’kin ng kakulitan at konting tapang na magawa ‘yung mga bagay na gusto kong magawa.
At salamat pala sa pagturo sa’kin mag-drive at mag-gitara.
Thank you, na kahit hindi naging tayo, minsan mo na akong sinamahang mangarap at magplano para sa hinharap na para bang kaya natin ang lahat.
Thank you, sa learnings and experiences.
Thank you, nag-enjoy ako. Akala ko kasi, ikaw na!

I’M SORRY. I’m sorry, nakapagpakita ako ng motibo noong nag-aaral pa tayo na mukhang nagpalakas ng loob mo. Naging MU tuloy tayo, which is very wrong.
I’m sorry, noong mga panahon na akala mo nag-give up na ko. Pero ‘yung totoo, gusto ko lang gawin yung tama. Ang kaso nahirapan ako panindigan. Hindi ko nalinaw sa’yo kase kalaban ko mismo yung sarili ko. Nagmukha tuloy akong naduwag lang at sumusuko.
I’m sorry, sa mga efforts ko na hindi naman dapat para sa’yo. Sa mga promises ko na hinding-hindi ko na matutupad, Sa mga pangarap na minsang naging atin, ngayon ay sa’yo na lang at sa’kin.
I’m sorry, na hinayaan kong mag-effort ka nung nasa “dating stage” tayo. Parehas tuloy tayong nag-invest ng time and heart na napunta sa wala kasi hindi naman tayo nagderetso sa marriage.
I’m sorry, akala ko kasi, ikaw na!

GOODBYE. Sa lahat ng pain and bad memories with you. Grabe kung pede lang ayusin yung paraan kung paano tayo nag-part ng ways, papayag ako, Para hindi naman masyadong masama yung image mo sa akin at sa pamilya at mga kaibigan ko.
Goodbye, sa mga panahong sinisisi ko ang sarili ko, kung bakit ang rupok ko. haha
Goodbye, sa’yo na hindi kaguwapuhan, ni hindi din kaputian, pero kahit paano lumaban. Hinding-hindi kita malilimutan. kahit sino pang lalaki yung makilala ko, laging wala silang sinabi sa’yo. Sa’yo na para sa’kin ay pinakamalambing na tao. Yung kahit gigil kana, cute ka pa din sa paningin ko. Sa’yo na hindi ka man nagkakamali, napatawad na kita. Sa’yo na lalaking aking ipinanalangin at hinintay. Sa’yo na aking una at huli, aking panghabambuhay…NOON yun! Akala ko nga kasi, ikaw na!

I wanna do myself a favor. PINAPATAWAD NA KITA.

Ganundin, pinapalaya ko na ang sarili ko sa’yo at sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa’yo.
Napatawad ko na din ang sarili ko. Nagpapasalamat ako kay Lord kasi ginising Niya ako.

Akala ko kasi, ikaw na!