Categories Relationships

Aking anak

Patawad,
Unang salitang pumasok sa aking isipan
Patawad anak dahil hindi mo na ako makikita
Patawad dahil hindi ko na masaksihan ang paglaki mo
Patawad dahil wala ng magkakarga sayo at isasayaw ka
Patawad naging mahina ang ama,
Hindi mo man mabasa to
Alam ko na ramdam mo mahal kita
Hindi ka man tunay na galing sa akin,
Sobra-sobra ang pagmamahal ko sayo,
Isa lang ang pangarap ko para sayo
Maging masaya at maging matagumpay
Hanggang sa susunod na pagkikita
Mahal kong anak