Aking Mahika
Categories Confessions

Aking Mahika

Sa aking mahika, ikaw yung sinasabi
sa kantang “napapangiti mo ang aking
puso”. Sobrang mahiwaga kung panong
dumating ka sa tamang pagkakataon.
Gaya ng sabi mo, sobrang perpekto ng araw
na yun..yun din yung iniisip ko.
Salamat sa pagsagip sakin nung panahong
nalulunod ako sa gulo ng isip at sakit na
nararamdaman. Hindi ko alam kung pano
mo nagagawang pagaanin yung damdamin
sa simpleng presensya mo lang. Salamat
sa palaging pagtatanong sakin kung ayos
lang ba ako o kung bakit parang malungkot ako.
Yung mga mata mo, hindi ko rin maipaliwanag
kung panong natutunaw yung puso ko
sa tuwing tinitingnan mo ako na para bang
sinasabing “wag ka ng malungkot,
nandito ako para sayo”. Yung boses mo,
hindi mo lang alam pero ilang beses akong
napakalma nito. Yung mga tawa mo, parang musika
sa tenga ko na nagpapapayapa ng magulo kong
mundo. Pwede bang dito ka lang? Pwede bang
manatili ka sa tabi ko? Magiging makasarili
ba ako kapag hiniling ko na makasama ka
palagi, kahit na maaring hindi ako yung
laman ng puso mo. Alam ko magulo akong
tao, mahirap intindihin, at madalas nakakainis.
Sa lahat ng gulo sa isip ko isang bagay ang
sigurado ako, gusto kita.