Kamusta na nga ba ako?
Sa dami na ng yayari sa aking paligid ni minsan ba kinimusta ko ba ang aking sarili? O mas inuuna ko pa ang iba?
Kahit na hirap na hirap nako sa aking sarili mas iniisip ko ang kapakanan ng iba. Kahit na hindi tayo masaya sa ating ginagawa basta masaya sila.
Parang pagmamahal ko sa isang taong espesyal sa puso ko. Gagawin ko ang lahat kahit mahirap mapasaya lang sya. Susuportahan ko ang lahat ng gusto nya para masabi ko naman sa sarili ko na may nagawa naman ako kahit maliit na bagay.
Pero ako kaya ko paba? Kaya ko paba pahirapan ang sarili ko? Oo hangga’t may mga taong alam kong nagmamahal sakin kakayanin ko. Oo hangga’t may taong alam nangangailangan ng tulong mula saakin kakayanin ko.
Kahit sa tingin ko na balewala naman ako sa kanila. Ito ang ayaw ko sa aking sarili pero hindi ko sila matanggihan. Hindi ako nagpapakabayani. Nagmamahal lang din ako.