Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Nagulat ako, isang araw bigla mo na lang akong hindi kinausap. Hindi mo naman ako hiniwalayan pero magmula nun hindi na tayo naging katulad ng dati. Umabot ng ilang linggong nagre-reach out ako sa’yo, sinusubukang alamin ang puno’t dulo ng pag iwas mo. Hanggang isang araw nakausap kita ang sabi mo, meron kayong financial problem kelangan mo ng space para ayusin yun. Inintindi ko, pero nagtatanong pa din ako sa sarili ko, kung hanggang kelan tayo ganito. Dumaan lahat ng okasyon; Pasko, Bagong Taon, Valentine’s Day, mga una sana sa relasyon natin, hindi man lang natin na-celebrate ng maayos. Sobra akong nahihirapan noon kasi wala akong maisip na mali kong ginawa para gawin mo sa akin yung ginawa mo.

Hanggang isang araw nagkalakas loob kang sabihin sa’ken sa text ang katotohanan, kaya pala umiwas ka dahil nalaman mong may anak ka na sa dati mong nobya, apat na taon na yung bata at nito mo lang nalaman. Sabi mo, di mo alam kung paano sasabihin saken kaya ka umiwas. Napagkasunduan nating ayusin at pag usapan sa personal yung tungkol sa sitwasyon at nung dumating araw na yun desedido akong tanggapin lahat; yung anak mo pati yung hirap na pwede kong pagdaanan dahil dun. At nang sinabi mong, di papayag yung nanay na makita mo yung bata hangga’t di kayo nagkakabalikan, hangga’t di kayo nagsasama, gumuho ang mundo ko. Ayaw mo kamong makipaghiwalay, maghintay lang ako kasi gusto mong pagbigyan yung nanay ng bata. Lalabas akong kabit, di ako pumayag. Kahit di ko inaasahang mangyare yun nung araw na yun kasi ang usapan aayusin natin, nakipaghiwalay ako sa’yo.

Ako yung nakipaghiwalay pero parang ako yung iniwan kasi kung totoong mahal mo ko di ka naman mahihirapang ipaglaban ako. Yun lang naman yung gusto kong gawin mo sana. Pero alam mo, narealise ko, simula pa lang naman di mo na pinaramdam sa akin na mahal mo talaga ako. Hindi ko naman nakitang nag effort ka para sa relasyon natin. Sa sobrang desperada kong mahanap yung taong para sa’ken pinaniwala ko lang yung sarili kong ikaw na yun kahit na┬ádi naman natatapatan ng mga gawa yung mga salita mo. Pinanghawakan ko lang lahat ng mga pangako mo, kahit sa tinagal tagal walang ni-isa sa mga yun ang natupad. Hindi ko pinakinggan yung sinasabi ng gut-feel ko kasi gusto kitang bigyan ng pagkakataong tuparin lahat ng mga pangako mo. Mali pala ako, mali na naman ako.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Kung pwede lang na balikan ko yung araw na nakilala kita at i-tama lahat ng pagkakamali ko; gagawin ko. Pero atleast natutunan ko na sa susunod na magmamahal ako, yung feelings na i-invest ko para sa taong yun di na dedepende sa kung gaano ko sya kagusto; yun ay dedepende na lamang sa kung gaano sya mag e-effort para saken. Aaminin ko hanggang ngayon, nasasaktan at umiiyak pa din ako dahil di tulad ng pagmamahal mo, yung sa’ken totoo; pero alam ko balang araw tatawanan ko na lang lahat ng katangahang ginawa ko para sa’yo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required