We’re only just a temporary lovers

Minsan hindi mo aakalain na sa saya ng relasyon mo sa taong mahal mo may tao din palang ipagtatagpo sayo para mas maging masaya ngunit sa maling pagkakataon. Pagsubok man kung tawagin ng lahat para sa isang LONG DISTANCE RELATIONSHIP hindi pa rin mawawala na magmamahal ka ng bukod sa kanya. Mga pagkakataon na nakaranas ka ng pagbuhos ng luha, pagkaramdam ng lungkot, pagkaramdam ng pag iisa dala ng pagkabigo ng pangako nyang ikaw lang at mga pagluha na dala ng pagkadurog ng puso mong puno ng sama ng loob.

Pagkaraan ng sakit na dulot ng pagkadurog at luha na kay bigat may taong darating na kayang punan lahat ngunit sa maling pagkakaton. Mga ngiti ko sa tuwing kasama ko sya, yung puso ko na puno ng galak sa tuwing masisilayan ko ang matang kumikinang sa saya at paglapat ng mga kamay sa likod upang hagkan ang init ng pagyakap nya. Alam nating mali ngunit pinili nating ituloy para bigyang atensyon ang isat isang nangungulila sa atensyon ng ating mga tunay na minamahal. Ako’y nakatakdang ikasal ngunit ikay matagal ng kasal. Gustuhin man natin ngunit alam nating mali. Sana kung pwede tayo na lang! Sana noon pa kita nakilala, Sana noon pa tayo pinagtagpo ng maykapal, Sana noon pa kita nakasama at Sana noon ko pa naramdaman ang tunay na saya mula sayo.

Sana Kung Pwede Tayo Na Lang! Tanong ko sa hangin na puno ng imahinasyon na alam kong malabong mangyari. Malabong mangyari dahil sa maling pagkakataon, Maling desisyon na ramdam natin yung saya at pagmamahal sa isa’t isa. Hindi man ngayon ngunit hinihiling ko sa maykapal na sa susunod ng aking buhay sana’y ako naman at Sana Tayo Na!