Mga mata ko sa puno ng saya tuwing kausap ka at mga ngiti ko na abot hanggang tenga. Sabi nila para kong tanga puno ng ngiti habang katxt at kausap ka. Kinikilig sa bawat binibitawan mong salita at puso ko na puno ng galak sa tuwing nahahagkan kita. Kay sarap isipin at alalahanin ang mga oras na kasama kita, mga init ng yakap mo na pumapawi sa lamig ng panahon at paglapat ng mga labi mo na ramdam ang pagmamahal na dulot mo.

Kay sarap sa pandinig ng boses mong kaylamig. Ang pagyakap na puno ng pagkasabik sa bawat sandali at mga mata mong kumikinang katulad ng bituin. Hindi maiwasang malungkot sa mga sandaling hindi ka nakikita at lubusang pagkagalak naman sa tuwing anino mo pa lang ang makita. Sa tuwing kasama ka pakiramdam ko ako’y nasa alapaap na puno ng bituin kumikinang sa liwanag ng mga anghel na humihiyaw sa tuwa. Ginayuma mo yata si kupido para panain ang puso kong nangungulila sayo. Sabi nila alas 3 ng umaga ang pinaka matamis na umaga para sa mga taong nagmamahalan ngunit para sa atin alas 3 ng umaga ang oras para matulog ang isang babae na puno ng eyebag. Nakakatuwa at puno ng ligaya ang mga sandali na ikaw ang kasama sana pagbigyan ng maykapal mga kahilingan natin na puno ng pag asa. Hindi man ngayon ngunit sa susunod. Susunod na pagkakataon na tayo naman ang masusunod.

-JAJA