Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

ako na walang alintana sa mundong ibabaw
ako na hinubog at nasanay sa pagkalumbay
ako na sa pag irog tila’y di’ balak magpasupil
ako na sa’yo lamang pala mahuhulog at iibig

ikaw na nagbuhat at nagmula kanang pintuan
ikaw na nakabibighani, unang tagpo pa la’ng
ikaw na binihag ako kahit walang sinamsambit
ikaw na sa akin pala magpapawala ng manhid

ako na sa iyong piling nakahanap ng tapang
ako na sa iyo naging handang sumugal sa lahat
ako na sa’yo’y napagtantong hindi kahinaang umibig
ako na kahit mabigo’y kaligayaan mo’ng tanging hiling

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


ikaw na sambit sa’king bawat dasal na bitawan
ikaw na sa t’wina’y mahal at pagtitiwalaan
ikaw na walang amok na kahit anong saglit’y hihintayin
ikaw na sa bawat at lahat ng pagkakataon’y pipiliin

kaya’t sa tagpong hindi alam kung saan tunay na nagmula
sa istoryang kahahantunga’y may alam ay wala
sa kinabukasang manalo o matalo man di’y may isang hiling
na ang tagpong ito’y hindi kalimutan at bigyan’g pagkakataon kung mamarapatin

sapagkat ang ibigin ka’y hindi kailanman pagsisisihan
ang lahat ng nadama’t pinakita’y totoo kahit nagkulang man
puno man ng takot ay walang pag iimbot na nagbakasakali pa rin
sapagkat malay mo, malay ko baka sa tamang panahon ang ako at ikaw ay ma’ging tayo din

Send me the best BW Tampal!

* indicates required