Ako Muna
Categories Relationships

Ako Muna

 

Iniisip ko. Bakit hindi ko namalayan?

Iniisip ko kung bakit at paano nag simula?

Bakit mo sinimulan at bigla mo na lang tinuldukan?

Bakit ganoon na lang kabilis sayo balewalain ang lahat.

Teka, binalewala mo ba o hindi ka lang talaga handa?

Pero kahit ano pa man hindi naman ako nakaiwas na hindi masaktan.

Bakit ikaw?

Kilala ko sarili ko, hindi ang tulad mo ang gugustuhin nito.

Hindi dahil kulang ka, hindi dahil hindi ka tulad ng iba na nagustuhan ko.

Hindi dahil hindi ka kasinggwapo nila (at hindi rin naman ako ganoon kaganda).

Hindi eh, basta ang alam ko, malabong mangyari na ikaw.

Na ikaw ang papansinin ko, pahahalagahan ko, at mamahalin ko?

Wag mong isipin na mali ka o may mali sayo.

Siguro nga, ako lang ito.

Pero sa kabila ng tanong na “bakit ikaw?” ay ang sagot na, “Ikaw”

Bakit ang sakit?

Bakit ako nasaktan at nasasaktan?

Sa totoo lang hanggang ngayon di ko alam sagutin yung tanong na

gusto ba kita o mahal kita?

Pero mahalaga pa bang malaman kung alam kong bumitaw ka na?

Naiinis ako kasi hanggang ngayon nasasaktan ako.

Naiinis ako kasi sa maikling panahon na pinaramdam mo na mahalaga ako

binabaon ko yun hanggang ngayon kasama ang mapait na mga ngiti

sa tuwing bumabalik sa realidad na hanggang dito na lang tayo.

Hanggang dito na lang ako sa buhay mo.

Sa kabila ng lahat, naiintindihan ko ang pinagdadaanan mo.

Na siguro ngahindi rin naging madali sayo ito

kahit na hanggang ngayon hindi masagot mga bakit ko.

Araw araw pinipili kong kalimutan ka

pero minsan nahuhulog pa rin ako sa  baka sakaling may pag asa pa,

baka sa dulo ako ay mapili mo pa.

Pero siguro nga hanggang dito na lang.

Hindi naman lahat ng pagbitaw ay pagkatalo.

Baka hindi rin naman ako natalo.

Siguro doon tayo sa natuto.

Kamusta na nga ba ako?

Ito, patuloy na lumalaban,

yun nga lang hindi na ikaw ang pinaglalaban.

Ngayon, pinipili kong sarili ko naman ang ipaglaban.

Dahil sa bawat takipsilim ay may bukang liwayliway.