Nais ko sanang humigi ng paumanhin kung itong mga nakaraan ay inuna mo ang iba at hndi ang sarili mo, paumanhin sa mga araw at gabing iniyakan mo ang maling tao, paumanhin kung napabayaan mo ang sarili mo sa proseso, paumanhin sa pagiisip na hindi ka sapat dahil ang totoo’y sobra ka pa sa sobra.

Sa ngayon ikaw na muna, ikaw na ang prioridad, ikaw na ang uunahin, ikaw na ang mamahalin, ikaw na ang aalagaan.

Pagaralan mo na ang maging matapang para sa susunod na may umalis hindi ka na muling masaktan.

Kalimutan mo na ang mga maling tao, pagaralan mong magpatawad para gumaan ang loob mo at ipagkatiwala mo ito sa panginoon, dahil siya ang lubos na nakakalam nito at kung dumating man ang tamang panahon ipagkakaloob niya ang tamang tao para sayo.

Galingan mo na lang mahalin ang sarili mo at maging masaya magisa, para sa susunod bonus na lang ang ibang tao sa buhay mo.

Dahil sa ngayon AKO NA MUNA

;