Tinapos ko na lahat, ang masakit doon hindi mo man lang ako pinigilan, hinayaan mo akong iwan ka ng tuloyan. 

Sa halip na magmakaawa nagtimpi nalang ako at umiyak sa kwarto. Hinayaan kong mawala ang isang taong mahal ko. Para akong nag saing at bigla nalang iniwan nang wala man lang pag aalinlangan. Hindi ako nanatili sa tabi mo. Nahihirapan ka na pala sa mga gawain mo, napapagod ka na pala sa mga problema mo. Ngunit mas pinili ko nalang lumayo, dahil alam kong ito nalang ang mas makakabuti, para saakin hindi para sa iyo. 

Alam ko namang mali ako, inaamin kong kasalanan ko pero hindi ko na kayang sisihin ang sarili ko. Hindi naman ako bibitaw kung pinaramdam mo saaking hindi ka bibitaw. Hindi naman kita iiwan nalang basta basta kung pinaramdam mo saaking hindi ako kaiwan iwan. Halos mabaliw ako kakaisip kung mahal mo pa ba ako? kung kailangan mo pa ba ako? kung gusto mo pa ba ako manatili sa tabi mo? Gusto kong manatili pero pakiramdam ko hindi mo ako kailangan. 

Sa tuwing magkausap tayo sa telepono hindi ko na ramdam yung boses na gusto akong kausap, hindi ko na marinig yung boses na  masaya. Ang tanging naririnig ko na lamang ay boses ng gusto na lang ibaba ang telepono. Hindi ko maintindihan pero noong binanggit ko ang mga salitang gustong iparating ng puso ko, tila bang wala ka nang maramdaman, alam ko ang tono ng boses mo kapag ikaw ay masaya, noong huling sinabi kong mahal kita wala akong narinig sayo ni isang salita. Hindi ko alam kung bakit ka nga ba nag iba. Ngunit kesa tanungin ko sayo kung bakit ka nagbago, itinago ko nalang iyon sa sulok ng utak ko at ipinagpatuloy kong isiping masaya ka pa sa piling ko. 

Bawat araw na pinaparamdam mo saaking hindi mo ako kailangan, unti unti akong nagigising sa katotohanan  Halos araw araw ako nasasaktan, hindi ko na maiwasang umiyak. Isang beses tinanong kita kung masaya ka pa ba, alam kong oo ang sagot mo dahil sino ba namang kriminal ang aamin? Wala diba? Sinagot mo ako ng oo sa tono ng boses mong  bigla nalang nagbago. Hindi ko alam bakit pa ako nanatili sayo kahit alam ko naman sa sarili ko na hindi na mababalik yung dating tayo.

Iniwan kita pero ang sakit dahil pumayag ka nalang bigla. Hindi mo man lang ako pinigilan. Hindi ka man lang gumawa ng paraan, ni hindi mo na nga inalam kung bakit gusto ko nalang lumisan. 

Siguro masyado ko lang pinaikot ang mundo ko sayo. Sana sa susunod na magmamahal ako hindi na yung kagaya mo. Sana sa susunod na magmahal ako sana mas mahalin na rin ako. Siguro masyado lang ako kumapit sayo, para akong kumapit sa taling alam ko namang madaling mapigtas, kumapit ako at nagbulagbulagan. Minsan lang ako sumuko pero hinayaan mo ako agad. Maraming beses ko naramdamang sumuko nalang pero pilit kong pinipigilan dahil alam kong mahal na mahal kita at umasa akong parehas tayo ng nararamdaman. Mahal na mahal kita pero siguro hanggang dito nalang. 

Gusto pa kitang mahalin, gusto ko pang manatili, gusto kitang balikan. Pero naisip ko bakit ko pa ba babalikan yung taong hinayaan lang ako lumayo? Bakit ko pa ba babalikan yung taong binalewala lang ako? Gusto kong bumalik pero huwag na lang dahil ang puso’y minsang nasaktan alam ko balang araw mamahalin yan ng taong handang gawin ang lahat, at hinding hindi na iiwanan.