Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi ako yung babaeng ideal girl mo
Hindi ako maganda kagaya ng pangarap ko
Hindi ako matangkad parang isang modelo
Hindi di naman ako kaliitan, kung baga sakto
Hindi ako maputi o kasing kinis ng idolo mo
Oo, maitim ako at puro tagihawat din ang pisngi ko
Hindi din kumikislap ang mga mata ko
Dahil natatakpan na makapal na salamin.
Hindi lumiliwanag ang mundo pag tumatawa ako
Sapagkat ni ngiti hindi mabitawan sa mga labi ko
Baduy nga kung akoy tawagin
Pano ba naman, damit ko ay red, pantalon ko ay green
Wala sa bokabularyo ko ang magandang damit
Basta akoy may maisuot, wala kayong paki
Hindi ko din gusto yang mga shoulder bag
Sus, kaartehan! Backpack pwede naman na, di ba?
Mas gusto ko pa tatak ay mickey mouse
Kaysa mga cinderella, snow white and the seven dwarves
Pero lahat nang ito, biglang nabago
Nang may anghel na mapadaan sa harap ko
Binago ko ang sarili ko
Nagpaganda para mapansin mo
Pulbo dito, suklay doon
Kilay is life daw, kaya kilay pa more
Ahh napapalda na din pala ako
Bistida tsaka shorts
Terno pa ng sling bag, bili pa sa ukay ukay ng nanay ko
Kinakausap ko sarili ko sa salamin kung okay na ba ang ayos ko
Lagay ng konti lipstick para pak din yung labi ko
Madalas na akong ngumiti, syempre dahil yun sayo
Kaso may hahadlang ata sa plano ko
Hindi ako ang ideal girl mo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required