Sabi ni Mr. Google, FALLBACK is an alternative plan that may be used in an emergency. Tama nga naman, Alternative plan mo lang naman talaga ako. Yung tipong kailangan mo lang in case of emergency. Tulad ng kapag nasaktan ka, kapag rejected ka ,  kapag hindi ka gusto ng gusto mo,kapag nawala na yung feelings mo para sa kanya o kapag narealize mo na hindi siya yung sagot sa mga panalangin mo. And that’s it! that’s the time na babalik ka sakin. That’s the time na magpapakita ka ulit ng motibo, that’t the time na magpaparamdam ka ulit, that’s the time na ipaparamdam mo sa akin na mahalaga ako at mahal mo ako! Syempre ako naman tong POKMARU na utu uto at bibigay din sayo , mag gigive in kahit ilang beses mo na ring nasaktan . Kasi nga, AKO yung FALLBACK mo. Your last resort kapag wala ka ng mapili or worst kapag wala nang pumili sayo. Ako yung FALLBACK mo na handang sumalo sayo kahit ilang beses mo nang hindi sinalo. AKO yung FALLBACK mo na naghihintay at tumatanggap sayo kapag naisipan mong bumalik. AKO yung FALLBACK mo na madali mong nakukuha ng walang kahirap hirap kasi nga mahal ka. At dahil sa pagmamahal na iyon nakalimutan kong mahalin ang sarili ko. AKO yung FALLBACK mo na pinipili mo lamang kapag wala ka ng mapagpipilian.AKO yung FALLBACK mo na nakakalimutan mo kapag may bago kang nagugustuhan.At ang pinakamasakit sa lahat,AKO yung FALLBACK mo na patuloy mong dinedeny sa ibang tao, “WALA AKONG NARARAMDAMAN PARA SAYO, KAIBIGAN LANG ANG TURING KO SA IYO” ayan ang sabi mo ngunit ako na yung nagsasabi “I am not your FRIEND,  I am your FALLBACK your PLAN B and will never be your plan A!”