Alaala
Categories Poetry

Alaala

Minsan ng nawala
Sa mga pabaon mong alaala
Na akala’y dala dala
Habambuhay papuntang tala

Lumisan ka ng walang alinlangan
Na akala ko’y panandalian
Pero ito’y tumagal ng hindi ko namamalayan
Na ngayon pakiwari ko’y iyo ng pinanindigan

Sa iyong tuluyang paglisan
Baunin mo lahat ng iyong natutunan
Hindi na importante kong kanino ilalaan
Basta tayo ay may natutunan

Matagal bago ko natanggap
Ilang araw na pag papanggap
Iba’t ibang mukha ang kailangang iharap
Para lang maka halakhak

Ako man ay marahil nawala
Pero pangako sa sarili babangon sa pagkakadapa
Salamat sa pabaon mo at ako’y naturuan mo
Bitbit ang mga alaala mo