Sa panahong kasama ka
Mga sandaling kapiling ka
Sa akin dati’y nagpapasaya
Matamis na alala’y tandangtanda ko pa

Sa mga ala-alang nabuo
Mga pangakong sinambit mo
nanatili sa puso’t isip ko
Pinang hawakan ngunit di pala totoo

Mga ala-alang nagdaan
Handa ko nang kalimutan
Ibasura ito ng tuluyan
At ayaw ng balikan

Sa buhay ko’y dulot nito’y lungkot
Nag halong pighati at takot
Sa mga sandaling ito, aral ay napulot
Bagong buhay ng aking naabot

Mga matamis mong ngiti
Hindi kona masisilayan muli
Nais kong hiramin itong sandali
Dahil alam kong ito na ang huli

Hindi man tayo pinagtagpo’t tinadhana
Salamat padin dahil sa buhay naging parte ka
Kaya’t pasensya kana, akoy mamamaalam na
Dahil sa iba kona ipapadama
Pag-ibig na nadarama.