Sa makalimot o sa mahal?

Laman lagi ng puso’t isip hindi maintindihan kung ano nga ba talaga ang hinahatid ng aking dibdib at emosyong humihingal sa’yong paglaya.

Nagsimula sa away na ultimo maliliit na bagay napapalaki. Mga bagay na hindi naman sadyang gawin datapwat ay dapat magbigay-aral, magpakumbaba at magintindihan.

Nagsimula sa mga sumpaang pilit sana nating makamit at dumaan sa kirot na sakit hanggang humantong sa puntong mass nakakalamang na ang puso’ng puno ng galit.

Bumuo ng masasayang ala-ala kasama ka ngunit ala-ala nalang ba? Dina ba pwedeng ibalik kahit na nasaktan na kita ng paulit ulit. Laking pagsisisi Kong iniwan ka dahil lang sa salita Ng iba. Laking pagkakamali kong mass sinunod ko pa ang iba kesa sa taong Mahal ko pa.

Pumasok ako sa isang relasyon na dipa ako tapos magmahal sayo. Siguro nadala ako sa sakit na nagawa ko kaya pumasok ako sa buhay ng ibang tao. Gusto kong itama pero huli na, nasaktan na kita ng sobra at ayaw ko ng dagdagan pa.
Ngayon ko napagtanto na mahal pa kita. Patawad sa aking maling nagawa. Maging masaya kana sana at makahanap ng iba. Paalam na kahit mahal pa kita .