Sabi nila malapit na daw akong lumagpas sa kalendaryo.
Isip ko naman, sus, meron pa namang lotto.
Kunwari okay lang sa akin na mag-isa,
Pero sa totoo lang, patuloy pa rin akong umaasa.
Habang ang iba, unti unti nang bumubuo ng pamilya,
Ako…heto, naghihintay pa rin sa “kanya”.
Kahit ang hirap dahil hindi mo alam kung meron ba talagang darating,
Kahit di mo alam kung meron ba talagang nakalaan para sa akin.
Bilisan ko na daw ang paghanap kay Mr. Right,
Wag na daw akong mapili at masyado na akong napag-iiwanan.
Paano akong magiging mapili,
Eh wala ngang pagpipilian.
“May irereto ako sa’yo!
Wag ka nang choosy!
Sige ka
Tatanda ka diyang dalaga!”
Ilang beses ko na ba yang narinig
Na parang ganun lang kadali ang umibig
Yung tipong manghila ka lang ng kahit sino sa daan,
At sabihing, “Tayo na ah! Walang iwanan!”
Bakit ba nagmamadali ang lahat
Na para bang isang malaking kasalanan
Kung wala kang kasintahan
At wala kang sinasabihan ng “ikaw lamang!”
Am I really running out of time?
Siguro…
Kung ang buong oras ko
ay para lang sa paghahanap kay Mr. Right.
Pero hindi eh,
Life is more than that.
Don’t ever let society dictate what is due and what is not.
Your life, your own pace, your own timeline.
No need to rush,
You’ve got time.