Ang Pagtatapos ng Tayo

182

Ikaw at ako unang nagkakilala
Tila bang kay tagal nang magkakilala
Mistulang sinadya pagtatagpo natin
Pagsasamahang masasabing sa atin.

Lumipas ang mga araw na kay bilis
Nahulog ang puso sayo ng labis
Sa bawat kilos mong di alam ang ibig sabihin
Ako’y naghihintay sa iyong sasambitin.

Isang pag-amin ang hindi inaasahang marinig
Na sana’y hindi ko na lamang narinig
Ang dating tamis ay napalitan ng pait
Dahil hindi ako. Hindi ako ang nais na makamit

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Iniwan kang mag-isa ng iyong mahal
Kahit mahirap pinaramdam sayo na di ka magisa mahal
Kaya tila isang panaginip nang sinabing ako’y mahal mo rin
Hiniling na sana panghabambuhay may tayo pa rin.

Masaya tayo sa bawat mga araw na nagdaan
Kasama kang nangarap na may bukas pang dadaan
Pero hindi ko namamalayan ang pinakaiingatan
Ika’y pala nananatiling nabubuhay sa nakaraan.

Walang kasiguraduhan, pinilit manatili hanggang kaya pa
Kahit lagi mong sambit “tigil na, tama na”
Salamat pero paalam, mahal kita pero mahal mo siya
Hahayaan na kita. Sana ingatan ka niya.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required