Unti-unti ko nang nararamdaman na malapit ko nang makamtan ang araw-araw na aking idinadasal.
Unti-unti ko nang tinatanggap na mas pinili mo ang tama sa mali. Ako na mali sa mundo mo, ako na pinakamalaking kasinungalingan sa buhay mo.
Ngunit habang lumalapit na ako sa katapusan, ang bigat sa pakiramdam ay patuloy kong nilalabanan.
Ang hirap na nararamdaman ko araw-araw ay patuloy na lumalala.
Ganito ba talaga ang dapat na nararamdaman? Normal ba ang aking nararamdaman?
Ako ba talaga ay papunta sa dulo o sadyang sa ligaw na daan pa din ang tungo? Ako ba talaga ay papunta sa dulo o pinipilit lang na ibaling sa iba ang atensyon?
Bakit habang papunta ako sa katapusan nating dalawa ay padilim ng padilim ang daan tungo dito?
Ako ay naguguluhan! Gusto ko ba talagang matapos at makauwi sa daan na payapa o mas gustong manatili na lang sa mga alaala natin na kailanman man hindi na babalik?