Anim kong kaibigan
Kasangkut ko sa kalokohan
Kahit saanman sa problema o kalokohan
Sila’y palaging andiyan.

Madapa ka man
Maririnig mo agad ang kani-kanilang hagikhikan
Ngunit sa bandang huli ika’y tutulungan
Ganyan ang aking mga kaibigan

Problema ko sa buhay
Silay aking kaagapay
Patuloy na gumagabay
Sa lahat nang bagay
At sa pagsulong ko sa aking buhay

Mga kaibigan akoy nasisiyahan
Sa inyo’y akoy patuloy niyong sinosupportahan
Maraming salamat sa inyong gabay
Hinahangad koy walang iwanan
At walang kalimutan

Kwentuhan halakhakan at asaran
Palagi naming ginagawa araw-araw
Sa aking kalungkutan sila’y nakaagapay
Mga aking kaibigan na hindi ko kakalimutan kahit kailan man.