Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Ang pag-ibig ko sayo’y totoo
Walang halong biro
Na parang tubig na klarong klaro
At salamin mong hindi malabo
Ganito ako magmahal sayo

Sa panahong naging tayo
Naging masaya ako
Dahil ikay nasa piling ko
At mas lalo noong mas rumagal tayo
Na sabay nating tinatahak ang dulo

Mahal kita, sobra-sobra
Kaya pinapahalagahan kita
Upang sakin ikay hindi mawala
At gusto kung hangang dulo tayo pa
Kaya lang hindi natin nakamit ang dulo

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Lahat binigay ko
Manatili ka lang sa tabi ko
Na kahit nasasaktan na ako
Dahil sa mga pinaggagawa mo
Hindi pa rin ako lumalayo

Lahat tiniis ko masaktan man ako kakayanin ko
Pero alam mong may hangganan lahat nang ito
Kaya naman gusto king sabihin sayo na sawang-sawa na ako
At hindi ko na kaya ang lahat nang pasakit na ginawa mo
Kaya ang pag-ibig ko sayo’y magwawakas na lang hanggang dito.

 

Send me the best BW Tampal!

* indicates required