Ang alaala
Categories Move On

Ang alaala

Araw araw kong hinihiling sa lumikha na bigyan ako ng dahilan upang sumaya
At dumating ka sa di inaasahang panahon, sa di inaasahang pagkakataon.
Binigyan mo ng bagong kulay ang mundong nababalot ng kadiliman,
Walang hanggang kasiyahan ang iyong pinabatid sa pusong nangungulila,
Noon akala koy wala nang katapusan ang kasiyahang nadarama,
ngunit ang makulay na mundo ay nabalutan ng lungkot at pighati.

“Ang sakit sakit na!” yan ang hinagpis na araw araw kong nararamdaman,
“Hindi ko na kaya!” yan ang sigaw ng puso ko na pangalan mo ang laman,
“Bakit ikaw pa!” yan ang hiyaw ng isip kong puno na alaala ng nakaraan,,

Ang mundong minsan nagkaroon ng kulay ay unti unting nawalan ng buhay,
At ang nagsilbing alala ay ang mga katagang iyong binitawan.

“Hindi ako ang taong para sayo”
“Hindi ko maibibigay ang bagay na makakapagpasaya sayo”
“Mahahanap mo sa iba ang bagay na gusto mo”

Ito ang mga katagang tatatak sa isip at pusong iyong binuo at winasak
Walang araw na ako’y umasa na bumalik ka at itama mo ang lahat,
At sa araw araw na ako ay naghihintay sa iyong pagbabalik
Ay ang unti unting pagtanggap ng aking puso at isip sa katotohan,
Ang katotohanang ikaw ay hindi na muling babalik sa aking mundo
At ikaw ay isang mahalagang parte na lamang ng aking nakaraan
Ako’y bibitaw na sa alala ng nakaraan at tutungo na sa bagong landas.
Kasabay sa paglimot ko ng nakaraan ay ang hiling ng iyong kasiyahan,

kasiyahang alam kong hindi ako ang magiging dahilan.

Paalam