Ang Gunita
Categories Move On

Ang Gunita

Noong una kitang makita

hindi na nawala ang paningin ko sayong mukha

Hindi maaaring lumapit ang ako sa ikaw

kaya naman nakuntento na lang ako sa malayong pagtanaw

 

Naghintay at nag-abang

Nagtiis at nag-ingat sa paghakbang

Akala ko lilipas din ang mga paru-paro sa tiyan

Akala ko hindi magtatagal ang nararamdaman

 

Pero nagkamali ako sa aking pinaniwalaan

umabot na ng linggo at ng ilang buwan

lahat ng paraan ay aking sinubukan

umiwas at lumayo para ikaw ay makalimutan

 

Pero ako ay nahirapan lumaban

Kaya naman akin nang pinanindigan

umasa na baka tayo ay maging magkaibigan

at sa aking pagiintay, nagkaroon ng pag-asa at daan

 

Hindi ko alam kung anong nangyari

akala ko malapit na ako sayong bahaghari

Akala ko ito na ang simula ng ating kuwento

Pero baka wala naman talagang kuwentong ikaw at ako

 

akala ko gusto mo akong makilala

gaya ng pakagusto kong makilala ka

Masyado lang ba talaga akong nahibang?

O baka naman may mayroon lang talagang humarang?

Kung ano man iyong totoong dahilan

sana makaalis na ako dito sa aking pekeng kulungan

makawala sa mga kandado’t kadenang palaisipan

at makalimot hindi ang isip, kundi ang pusong ikaw ang pinanghahawakan