Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Pinapatawad Na Kita

Sinagot na ni Lord ang matagal ko nang hinihingi sa Kanya.
Natagpuan ko na ang matagal ko nang hinihintay na pag-ibig.
Lahat ng binanggit ko sa Kanya, nasa sayo na.
Lubos ang pasasalamat ko dahil ilang taon sa Kanya ikaw ang bukambibig.

Lahat ng sa ati’y perpekto.
Kahit malayo tayo sa isa’t isa, pero parang nasa sa tabi lang kita.
Inibig kita ng buong-buo at totoo.
Patuloy kitang ipinagdasal kay Lord na sana ikaw na talaga.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Lumipas ang buwan, naging mas malalim ang ugnayan natin.
Pinag-usapan natin ang hinaharap at ang mabubuo nating munting pamilya.
Sinabi mo gusto mong ikaw ay aking hintayin.
At nangako akong oo dahil mahal na mahal na kita.

Ngunit may napansin akong mga pagbabago.
May sinasabi kang nakapagtataka at di ko maintindihan.
Na tila ba hindi ako ang kinakausap mo.
Baka pagod ka lang kaya winalang bahala ko nalang.

Nagkita na tayo’t nagkasama.
Namasyal tayo, nag-usap, at naglambingan.
Ang saya-saya natin, o ako lang ba?
Kasi kaya mo pala akong sa buong araw ay di pansinin.

Mahalaga ba talaga ako sa’yo?
Magiging totoo pa ba ang lahat ng pinapangarap natin?
Mahal mo ba talaga ako?
O may iba ka pa bang pangalan na gustong sambitin?

Lahat ng katanungan ko at takot at nabigyang linaw na rin.
Iniwan moko at binigyan ng walang kwentang rason, kesyo kelangan ko yung palaging nasa sa tabi ko.
At nalaman ko ngang may iba ka pa pala bukod sakin.
Pero kahit sobrang sakit ng ginawa mong pang-iiwan, pinapatawad na kita, Diyos nang bahala sayo.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required