Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Hindi ko alam kung kanino ka,
basta ang alam ko, ika’y inihahanda
upang sa araw ng ating pagtatagpo,
malaman mong tayo’y itinakda.

Kamusta ka kaya?
Masaya ka ba? O nasasaktan pa?
Sana patuloy mong hanapin ang totoong saya,
na sa Maykapal lamang makikita.
upang sa araw na titibok ka para sakin,
buong buo ka na.

Magmamahal dahil unang minahal.
Magbibigay dahil unang tumanggap.
Huwag ka sanang matakot o makalimot,
upang sa ating pagkikita
ika’y siguradong sigurado na.

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Nasasabik ako na makilala ka,
Kaninong puso ka kaya?
Matatagalan ka pa ba?
‘Wag kang mag.alala, handa nman akong maghintay,
nandito lang ako, at ang puso kong umaasa.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required