Noong una kitang makita
hindi na nawala ang paningin ko sayong mukha
Hindi maaaring lumapit ang ako sa ikaw
kaya naman nakuntento na lang ako sa malayong pagtanaw
Naghintay at nag-abang
Nagtiis at nag-ingat sa paghakbang
Akala ko lilipas din ang mga paru-paro sa tiyan
Akala ko hindi magtatagal ang nararamdaman
Pero nagkamali ako sa aking pinaniwalaan
umabot na ng linggo at ng ilang buwan
lahat ng paraan ay aking sinubukan
umiwas at lumayo para ikaw ay makalimutan
Pero ako ay nahirapan lumaban
Kaya naman akin nang pinanindigan
umasa na baka tayo ay maging magkaibigan
at sa aking pagiintay, nagkaroon ng pag-asa at daan
Hindi ko alam kung anong nangyari
akala ko malapit na ako sayong bahaghari
Akala ko ito na ang simula ng ating kuwento
Pero baka wala naman talagang kuwentong ikaw at ako
akala ko gusto mo akong makilala
gaya ng pakagusto kong makilala ka
Masyado lang ba talaga akong nahibang?
O baka naman may mayroon lang talagang humarang?
Kung ano man iyong totoong dahilan
sana makaalis na ako dito sa aking pekeng kulungan
makawala sa mga kandado’t kadenang palaisipan
at makalimot hindi ang isip, kundi ang pusong ikaw ang pinanghahawakan