Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

Tadhana lang ang makapagsasabi sa ating kapalaran
Tadhana lang ang makakaalam kung hangang saan
Tadhana lang ang makapaghuhusga sa ala-alang nagdaan
Tadhana lang ang sagot sa nakaraan

Ayaw ng maranasan muli ang lungkot
Ayaw ng maransan ang sakit na idinulot
Ayaw ng maranasan,naramdamang puot
Ayaw ng maransan lahat dahil bagong buhay gustong maabot

Naiisip bawat sandali
Naiisip lahat ng nagawang pagkakamali
Naiisip na sana’y di nagmadali
Naiisip lahat ng ito buhat ng naranasang pighati

While you are busy reading this article, try mo rin makinig sa episode namin:


Gawa ng pagkakabaliw sayo
Gawa ng pagmamahal sayo
Gawa ng pagkahibang sayo
Gawa ng sakit na galing sayo

Ang lahat ng ito’y dahilan ng aking pagkatuto
Ang lahat ng ito’y gabay sa aking pagbabago
Ang laht ng ito’y nagpalakas sa loob ko

Send me the best BW Tampal!

* indicates required