Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.

May isang tao na dumating sa buhay ko
Na kahit anong layo ng lugar
Tagal ng paghihintay
Siya pa rin ang hinahangad na makasama habang buhay
Dumating man yung araw na tila’y pagod na
Wag ka mag-alala, ako’y magpapahinga lang.
Hindi ako lilisan, hindi ako tatakbo, hindi ako lalayo, hinding hindi kita iiwan.
Mahal kita higit pa sa sakit
Mahal kita higit pa sa pait
Mahal kita higit pa sa tamis
Mahal kita higit pa sa materyal na bagay
Mahal kita at patuloy akong magiintay.
Patuloy akong makikinig sa mga sari saring kwento mo
Patuloy akong makikinig sa bawat himig ng mga kinakanta mo
Patuloy akong makikinig sa bawat pintig ng puso mo
Oo ikaw, maraming tao na pwedeng humigit sayo.
Maraming tao na pwedeng pumalit sa pwesto mo
Pero, Oo ikaw, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko
Pipiliin na makasama sa lungkot at saya
Pipiliin na makasama abutin at tuparin ang mga pangarap sa buhay
Oo ikaw,ikaw at ikaw lang ang gustong makasama hanggang dulo
Nasaktan mo ako? Wag ka matakot, wag ka magalala dahil heto ako sinasabing pinapatawad na kita.
Oo ikaw, ikaw ang pinapangarap ko na makasama sa pagkamit ng mga pangarap ko kasabay ng mga pangarap mo.
Lahat ng kulang at sobra sayo
Lahat ng di kanais nais sa sarili mo
Lahat ng kahinaan at kalakasan mo
ay aking mamahalin kasabay ng pagtanggap ko ng buong pagkatao mo
Ikaw ang unang nagparamdam na di mo kailangan maging artista,
Para maranasan maging prinsesa.
Ikaw ang unang nagparamdam na di mo kailangan ng kolerete sa mukha
Para masabing oh’ kay ganda mo sa aking mga mata.
Ikaw ang unang nagsabi na kahit ano at sino ka pa, mahal kita.

Send me the best BW Tampal!

* indicates required