Disclaimer: The views and opinions expressed in this article are those of the authors and do not necessarily reflect the official position of Boiling Waters PH.
Gara lang kapag hinahanap pa rin ‘yung ex ‘no? Kapag ikaw na ‘yung nandiyan pero curious pa rin sa ex, hinahanap tapos minsan kung tratuhin ka tulad lang din nung pagtrato niya sa ex niya noon. Gara lang kapag kailangan mo siya pero biglang mag b-bail out or will leave you hanging tapos mag paparamdam kapag things are fine or convenient lang sakaniya. Kapag kinakausap ka lang niya kapag masaya siya, medyo okay siya, kapag maganda araw niya pero when things get rough hindi ka na muna niya kakausapin dahil ayaw niya raw maging problema mo rin siya. Ang gara lang na tingin lang sa’yo eh makakausap o pwedeng makasama sa pansayahan lang pero when things are about to go down, bye-bye na ulit, TTY when I’m good na ulit.