Current Article:

Araw-araw ka pa rin pinipili, Kahit na masakit

Araw-araw ka pa rin pinipili, Kahit na masakit
Categories Poetry

Araw-araw ka pa rin pinipili, Kahit na masakit

Ilang taon na ang nakalipas
Ngunit mga sugat tila wala paring lunas
Sariwa pa din mga ala-ala ng nakaraan
Palagi pa din nais na balikan

Saan ba ako magsisimula?
Sa pag hanap ba ng mga pirasong nawala?
Sa pag punas ng aking mga luha?
Sa pag tanggap ng katotohanang wala ka na?

O babalik ako sa simula
Kung saan lahat ay puno ng saya
Kung saan buong puso mo sambitin ang salitang mahal kita
Kung saan ako pa ang iyong mahiwaga

Bakit ba tayo umabot dito?
Hindi na nga ba naging sapat ang salitang tayo?
Kailan mo pa pinili ang sarili mo
At binitawan na lamang ako

Paano? Makakalimutan ang iniwan na mga pangako
Paano? Tatanggapin na wala ng tayo
Paano? Papaniwalain ang sarili na hindi na ako
Paano? Hindi masasaktan na hindi na ako ang laman ng iyong puso

Ganito na lamang ba kadali?
Hindi na ako ang iyong pinipili
Wala man lamang bang pagsisisi?
Hindi ka kumapit hanggang sa huli.

Pero bakit ako nandito pa rin
Araw-araw ka pa rin pinipili
Kahit na masakit
Patuloy kang minamahal kahit walang kapalit