Para sa mga taong minamahal ng di nila alam.

May balang araw kaya sa ating dalawa? Yung balang araw na masaya.
Balang araw na yakap kita. Balang araw na may ikaw at ako na.
Araw na ako ang mahal mo.

Hindi man dumating ung balang araw na yan sana balang araw ibulong ng hangin na may nagmamahal sayo. Na andito ako. Na may nagmamahal sayo sa malayo.
Kasing layo ng bituin sa langit yung ikaw at ako.
Pero minsan yung mga bituin nahuhulog din.
Ako kaya, makikita mo rin?

Nabubuo mo yung araw ko ng di mo alam. Sana balang araw, ako naman yung bubuo ng araw mo.
Kasi lagi na lang araw ko yung nabubuo dahil sayo.
Tingnan mo yung buwan, nakangiti sya sayo.
Ganon ako pag tinitingnan ka, malayo man, pero sobrang saya ko.

Balang araw, isang araw. May at ikaw at ako na.
Pero kung hindi man, mamahalin pa rin kita.
Sa malayo, kahit di mo nakikita.