Naranasan mo na bang mag risk kahit option ka lang nya?

Yung alam mo naman yung lugar mo pero pinipilit mo pa rin kasi mahal mo na.

Sinubukan kong pigilan pero sa tuwing ginagawa ko, sya mismo ayaw bumitaw.

Hindi nya pinaramdam sakin na option ako nung una.

Pero habang tumatagal, lumiliit, sumisikip ang mundo namin.

Yung dating araw-araw na pagkikita, naging every other day na lang.

Yung dating masaya, ngayon komplikado na.

Hindi ko na kaya kasi nagigising na ko sa katotohanan.

Katotohanan na hindi mo sya bibitawan at kaya mo kong iwanan.

Kaya heto ako, nagpakalayo kahit mahirap. Para sainyo na maging masaya kayo at para sakin na maging masaya sana ako sa susunod na magkita tayo.