May pag-asa pa ba na maging tayo?

May pagkakataon ba sa buhay mo na iniisip ay ako?

May puwang pa kaya ako sa puso mo?

 

Mga katanungan na lagi na lang sinasambit ng aking isipan

Hindi ko alam kung ako ba ay karapat-dapat na mahalin

May kulang pa ba sa akin?

 

Kung meron man,sana sinabi mo na lang..

Bakit hindi mo ako kayang mahalin?

Bakit hindi mo ako kayang ipaglaban?

 

Ako ang taong lagi mong tinatakbuhan sa tuwing ika’y nahuhulog na sa bitag ng kabaliwan

Oo,sa kabaliwan ng pag-ibig..

 

Ako ang tagapahid ng mga luha mo sa t’wing nasasaktan ka na..

Pilit kitang pinapatawa kahit alam ko sa sarili ko na nasasaktan na rin ako..

Pinapatatag ko ang kalooban mo kapag nakikita kitang nanghihina na..

Gaano ka ba kamanhid?na kahit presensiya ko hindi mo mabatid?

 

Matatanggap mo kaya pag sinabi ko sayo lahat ng nararamdaman ko?

Ewan ko ba,bakit sayo pa nahulog ang puso ko..

Di mo naman pala  kayang saluhin..

Tanga na kung tanga..pero,mahal kita

 

Oo,mahal na mahal kita..

Alam ko na hindi mo kayang ibalik ang pag-ibig na alay ko sayo..

Pero sana,sana bigyan mo ako ng pagkakataon na maiparamdam sayo kung gaano kita kamahal..

 

Kung gaano ako nasasabik sa mga halik at yakap mo..

Gusto kong maranasan kung paano ako mahalin ng isang tulad mo..

Sana dumating ang panahon na maisip mo na ako ang taong inilaan para sayo..

 

Ngunit alam ko,hindi kayang turuan ang ating mga puso..

Sa iba mo lang inilalaan ang mga halik at yakap mo..

Sa iba mo lang ibibigay ng buo-buo  ang  puso mo..

Sa iba mo lang ipaparamdam ang iyong  pagmamahal..

 

Hindi ko kayang pantayan ang pag-ibig na inilalaan mo para sa iba..

Kaya heto ako..pilit na hinihintay ka

Pinipilit kong maghintay sa wala..

Walang patutunguhan ang lahat ng ito..

balewala naman talaga ako sayo,di ba?

Napakasakit..sobra ang sakit na nararamdaman ko..

Nahihirapan na ang puso ko..

 

Sa bawat paghikbi ko,sa bawat tawa ko,sa bawat araw ng buhay ko..

Ikaw at ikaw ang laman ng puso’t isip ko..

Ginayuma mo yata ako..

O sadyang sayo lang umiikot ang mundo ko?

 

Sabi nila,tama na..

Sabi nila dapat na kitang pakawalan..

Pero paano??

Hindi ko nga rin alam…

 

Walang kasagutan lahat ng mga katanungan ko..

Matatanggap ko naman lahat ng sakit..

balang araw at sa takdang panahon..

Sa iba ka magiging masaya di ba?

 

Sige..palalayain na kita..

Dahil ano nga ba ako sayo?

 

Kaibigan lang naman,di ba?